Dominus Tecum. Benedicta tu in mulieribus, et benedictus fructus ventris tui

Unang Pagbasa: Sofonias 3:14-18 Mabuting Balita: Lucas 1:39-45 Sa tuwing dinadasal ang Ave Maria, binanggit ni Elisabet ang "Ang Panginoon ay sumasaiyo. Bukod na pinagpala sa babaing lahat at pinagpala naman ang iyong nasa sinasasapunan." Marahil, ito ay isang tanda na si Maria ay pinagpala nga sa lahat ng mga babae sa buong daigdig sapagkat nasa kanyang sinapupunan ang manunubos, si Hesus na ating kapatid. Ang pagdalaw ni Santa Maria kay Elisabet ay nasa ikalawang Misteryo ng Tuwa ng Rosaryo. Atin ding ipinadiriwang ang Kapistahang nito tuwing katapusan ng Mayo (May 31), ang araw na kung saan ako ay sinalubong ng Sambayanan Kristyano bilang kaanib nito sa Parokya ng Invencion de la Santa Cruz sa maliit ng bayan ng Alitagtag, Batangas. “Sino ba naman ako para dalawin ng ina ng aking Panginoon?” Tuwang-tuwa si Elisabet nang makita niya si Maria at gayundin ang kanilang mga ...