Fiat mihi Verbum secundum Tuum
Unang Pagbasa: Isaias 7:10-14
Mabuting Balita: Lucas 1:26-38
Ang
ating mabuting balita sa araw ay patungkol sa Pagpapahayag ng Anghel ng Panginoon
sa Birheng Maria na sya ay magsisilang ng isang sanggol na lalaki. Ito ang unang misteryo sa
mga Misteryo ng Tuwa ng Santo Rosaryo o Joyful Mysteries.
Ito
ay binaggit ni Arcangel Gabriel sapagkat si Maria ay isang dalagang
ipinaglihing walang orihinal na sala o Mary, Concieved without Original Sin
from the womb of Saint Anne. Sa una ay nagtaka si Maria kung sino ang dumating
at ito ay ang Anghel ng Panginoon.
“Matuwa
ka Maria sapagkat ikaw ay kalugod-lugod sa Diyos!”, ang wika ng anghel kay
Santa Maria sapagkat siya ay pinuspos ng Espiritu Santo upang isilang ang
manunubos, at ito ay si HESUS, ang EMMANUEL na ang kahulugan ay sumasaiyo ang
Diyos (God is with us).
Ecce Ancilla Domini, Fiat Mihi Verbum secundum tuum. “Ako
na alipin ng Panginoon, magalak nawa sa akin ang ayon sa wika mo.” Ang pagsambit ni Maria ng Fiat ay ating ding pagsambit ng
Fiat sa Panginoon sa lahat ng aspeto ng ating buhay.
Tayong
lahat ay alipin ng Panginoon sapagkat gumaganap sa atin ang wika ng Panginoon.
We are the handmaids of the Lord, for the Word of God is unto us.
Reflective
Questions:
1. Tayo ba ay handang
sumagot ng Fiat o ang ating pagsambit ng OO sa kagustuhan ng Diyos
2. Tayo ba ay handang
maging alipin ng Panginoon sapagkat sumasaatin ang kanyang Wika?
Comments
Post a Comment