Dominus Tecum. Benedicta tu in mulieribus, et benedictus fructus ventris tui
Unang Pagbasa: Sofonias
3:14-18
Mabuting Balita: Lucas
1:39-45
Sa tuwing dinadasal ang Ave Maria, binanggit ni Elisabet ang
"Ang Panginoon ay sumasaiyo. Bukod na pinagpala sa babaing lahat at
pinagpala naman ang iyong nasa sinasasapunan." Marahil, ito ay isang tanda
na si Maria ay pinagpala nga sa lahat ng mga babae sa buong daigdig sapagkat
nasa kanyang sinapupunan ang manunubos, si Hesus na ating kapatid.
Ang
pagdalaw ni Santa Maria kay Elisabet ay nasa ikalawang Misteryo ng Tuwa ng
Rosaryo. Atin ding ipinadiriwang ang Kapistahang nito tuwing katapusan ng Mayo
(May 31), ang araw na kung saan ako ay sinalubong ng Sambayanan Kristyano
bilang kaanib nito sa Parokya ng Invencion de la Santa Cruz sa maliit ng bayan
ng Alitagtag, Batangas.
“Sino
ba naman ako para dalawin ng ina ng aking Panginoon?” Tuwang-tuwa si Elisabet nang
makita niya si Maria at gayundin ang kanilang mga sanggol na sina Juan at Jesus.
Oo nga, sino
ba naman si Elisabet para dalawin ni Maria. Ano pa ba, edi pinsan ni Elisabet
si Maria.
Sa pagpasok ni Maria sa Tahanan, siya ay sinalubong ni
Zacarias sa pamamagitan ng isang yakap dahil hindi maka-imik si Zacarias sa balitang
kanyang natanggap mula sa anghel na sila ni Elisabet ay pagkakalooban ng Diyos
ng isang Anak. Si Elisabet ay isang baog na
matandang babae (mga nasa 70’s-80’s) at si Maria ay nasa kanyang Puberty Stage (12-15 taong gulang).
Reflective
Questions:
1.
Sa panahon natin ngayon, handa ba nating tanggapin si
Maria bilang ating panauhin?
2.
Handa ba nating tanggapin si Maria bilang bukod na
pinagpala sa lahat ng babae?
3.
Para sa mga hindi Katoliko, handa ba ang ating kalooban
na tanggapin si Maria bilang Ina ng Diyos? Kung
hindi, ano ang malalim na dahilan? (Wag sumagot na hindi sya karapat-dapat. Panis
na yang sagot na iyan.)
ToFAD, 2017
Comments
Post a Comment