Posts

Showing posts from December, 2017

Dominus Tecum. Benedicta tu in mulieribus, et benedictus fructus ventris tui

Image
Unang Pagbasa:        Sofonias 3:14-18 Mabuting Balita:         Lucas 1:39-45 Sa tuwing dinadasal ang Ave Maria, binanggit ni Elisabet ang "Ang Panginoon ay sumasaiyo. Bukod na pinagpala sa babaing lahat at pinagpala naman ang iyong nasa sinasasapunan." Marahil, ito ay isang tanda na si Maria ay pinagpala nga sa lahat ng mga babae sa buong daigdig sapagkat nasa  kanyang sinapupunan ang manunubos, si Hesus na ating kapatid. Ang pagdalaw ni Santa Maria kay Elisabet ay nasa ikalawang Misteryo ng Tuwa ng Rosaryo. Atin ding ipinadiriwang ang Kapistahang nito tuwing katapusan ng Mayo (May 31), ang araw na kung saan ako ay sinalubong ng Sambayanan Kristyano bilang kaanib nito sa Parokya ng Invencion de la Santa Cruz sa maliit ng bayan ng Alitagtag, Batangas. “Sino ba naman ako para dalawin ng ina ng aking Panginoon?” Tuwang-tuwa si Elisabet nang makita niya si Maria at gayundin ang kanilang mga ...

Fiat mihi Verbum secundum Tuum

Image
Unang Pagbasa:          Isaias 7:10-14 Mabuting Balita:       Lucas 1:26-38 Ang ating mabuting balita sa araw ay patungkol sa Pagpapahayag ng Anghel ng Panginoon sa Birheng Maria na sya ay magsisilang ng isang sanggol na lalaki. Ito ang unang misteryo sa mga Misteryo ng Tuwa ng Santo Rosaryo o Joyful Mysteries. Ito ay binaggit ni Arcangel Gabriel sapagkat si Maria ay isang dalagang ipinaglihing walang orihinal na sala o Mary, Concieved without Original Sin from the womb of Saint Anne. Sa una ay nagtaka si Maria kung sino ang dumating at ito ay ang Anghel ng Panginoon. “Matuwa ka Maria sapagkat ikaw ay kalugod-lugod sa Diyos!”, ang wika ng anghel kay Santa Maria sapagkat siya ay pinuspos ng Espiritu Santo upang isilang ang manunubos, at ito ay si HESUS, ang EMMANUEL na ang kahulugan ay sumasaiyo ang Diyos (God is with us). Ecce Ancilla Domini, Fiat Mihi Verbum secundum tuum. “Ako na alipi...